tigilan mo ako
just typing out loud. literally.
wag ka ngang reklamo nang reklamo. tignan mo na’t ang lalim na ng crease dyan sa forehead mo. para kang hindi babaeng biente-tres anyos lang.
eh kasalanan ko bang may mga taong nakaka-irita at pilit nang sinisiksik ang kanilang buhay sa vicinity ko. sila rin ang may kasalanan kung bakit ako nakaka-hanap ng ikare-reklamo ko. kung namili lang sila ng ibang lugar na pagkakalatan ng kanilang lagim, eh di at peace sana ako buong taon ng 2006.
kaya, please lang…sana layuan narin nila ako ngayon noh. para matupad ko NYR ko. you know, as in New Year’s Resolution. oo, meron narin ako nun. na-realize ko kagabi while laying sleepless na meron pala akong gustong baguhin sa sarili ko. kasi dati, nung nagsimula yung taon, iniisip ko na wala naman talaga akong gustong baguhin…dahil tinatamad akong mag-isip. ahaha. LAME-O.
ayun, so gusto kong mejo bawas-bawasan yung pagre-reklamo ko. kasi napansin ko na pag may kausap ako at ka-kwentuhan, laging reklamo ang ginagawa ko. tsktsk. good luck sa’kin.