Don’t Ask Me
parang selfish ako
hindi na yata tama ginagawa ko
parang may mga nasasaktan na yata
ito ako, pangiti-ngiti at patawa-tawa, pero deep down masakit
nakakalito
para bang pinipilit ka nalang yung hindi na pwede
inaayawan na, subalit ito pa rin ako na nagpupumilit
di ko alam sinong tatakbuhan ko
takot kasi akong baka marinig ko lang yung di ko gustong marinig
yung pinakainiiwas-iwasan kong mga salita
words that would cause me to wreak havoc upon the speaker
baka lalo lang nila akong lilituhin
lalong gugulo buhay ko
i used to think it was all set in stone
i used to think i knew it was certain
ngayon - i’m not so sure
and it hurts
ang dami kasing dapat i-take into consideration
dati parang ang dali lang ng buhay
i have never felt so alone
ayaw kong mag-paalam
ayokong maudlot ito
gusto ko pa ring matupad yung mga pangarap na sinimulan noon pa
gusto kong bumalik ang kahapon na puno ng ligaya
dahil ito lang talaga magdadala sakin ng saya
pero imposible yun
kahit ano pang sabihin nila
buhay ko ito, hindi ito sa kanila
ako pa rin ang magdi-decide ng kinabukasan ko
gusto kong matupad yun
kahit ano gagawin ko, basta kaya ko
sana di nalang ako tinapon sa sitwasyon na ganito
napaka-hirap
araw-araw nalang na ginawa ng Diyos, d maiwasang mag-isip
at magtanong sa sarili
nakakabaliw
di ko malaman ang gagawin ko
ayokong mawalan ng pag-asa
di ko talaga gawain yun
dapat optimistic lagi
pero hindi ko na yata kaya
subalit kakayanin ko
for my own sanity