lauraldanne’s blabbernothings

this is the story of a girl in the middle of nowhere searching for the true meaning of life

How bored am I?

Filed under: Day in the Life of... — lauraldanne at 8:55 am on Thursday, September 1, 2005

Ako ay masaya! yay! Bakit kaya ako masaya? Basta! haha. I am so weird. Ang boring dito. Alam nyo ba kung asan ako? Sure, you  might not even care, pero I’ll tell you anyway. tapos na class ko. Isa lang naman kasi klase ko today, morning lang sya. So dumaan ako dun sa Counseling office para magtanong tungkol sa scholarships para namn mejo gumaan-gaan ang bayarin ng aking mahal na ama. Eh wala namn yung kelangan kong maka-usap. Off ba naman sya. Papasok sya bukas eh wala naman akong gagawin sa school bukas so di ako papasok. May appointment pa ako bukas sa Yahoo Messenger *weeee* Anywho, ayun na nga, wala sya today, papasok sya bukas, tapos off ulit sya next week. Ano ba yan!? Pano kaya yun? Baka maunahan na ako sa scholarships nyan.  *hahay*

Ano pa ba? nakita nyo na ba yung bagong video ng Basckstreet Boys? Yung Just Want You To Know. Ang ganda nun…seriously! I’m not just saying this coz I am a BIG fan. Pero di nga, it’s very funny. Kung type mo yung mga dated videos, like those videos that go back in time. Coz their video, balik sila ng 1985 kaya yung fashion and stuff they do are really funny. O kaya, baka mababaw lang talaga ako. haha. Wala lang. basta nice sya, kaya ang maganda nyong gawin is vote nyo yun on TRL. Yun bang show sa MTV na palabas at 2pm. Weird nung show na yun. dati 5pm yun eh, ewan ko bakit 2 na sya nagyon. Siguro dahil summer kaya DST rin sila. Oh well, bahala sila. basta vote nyo BSB, hehe.

Tagal ng Kuya ko. I’m waiting for him kasi eh. 1 hour na ang nakalipas. *haha* sana marunong na akong mag-drive para ako na yung may dala ng car at sya ang pinahihintay ko. haha. Pero honestly, if I had the car, I would probably teach him how he shouldn’t let people wait on him. *hmph* Kaasar talaga yung mga taong gustong laging hinihintay sila.

Ummmm, I guess ito na muna for now. I’m done blabbing about nonesense. Toodle-loo, folks!