finally…
hay salamat! naka-blog narin dito. kasi naman noh, isang linggo mahigit nang di ako makapag-update ng Friendster blog. parang tanga talaga. as in, kada pindot ko dyan sa UPDATE BUTTON binabalik ako sa HOME. baliw talaga. hahay. buti naman ayos na ngayon…kaya lang wala naman na akong maisip na ipost kundi ireklamo ang Friendster blog. ahaha.
what else? uwi na si kuya bukas. Yay! san sya galing? basta, secret. basa nalang kayo sa regular blog ko bukas…bukas ko nga siguro ipost yung story. katamad talaga sa life. tinatamad ka ba? hahay, ako oo.
pasukan na ulit sa wednesday. actually thursday pa ako papasok kasi wala naman akong klase ng wednesday. excited ba ako? ewan, parang hindi naman kasi kinakabahan ako this semester. feeling ko bababa ang GPA ko dahil sa terror kong professor. two subjects pa ang klase ko sa kanya. sya kasi yung head ng department ng major ko eh. hahay, katakot talaga yun.
ano pa ba? wala na eh. kelangan ko nang mag-log out at may gagawin pa akong mas importante. sige, bye-ot! next time na ulit ako magsusulat dito pag feel kong magtaga-tagalog. haha.