lauraldanne’s blabbernothings

this is the story of a girl in the middle of nowhere searching for the true meaning of life

Spiral garden debut

Filed under: Memory Worthy — lauraldanne at 9:15 am on Thursday, June 30, 2005

Last June 24 was Kuya’s Debut Performance with his band, Spiral Garden. Pero syempre, bago tayo dumating sa pivotal event na yun, i-step by step natin ang araw ko. Ayun, syempre nag-internet ako ng umaga. Tapos nung malapit nang mag-lunch time, dumating si tita Arleene. Hinatid sya ni tito Gerhard and best friend ni tito na si Helmut. Chika-chika ng konte tapos iniwan na nila si tita Arleene. Chika-chika nanaman about sa trip nila sa Miami and the rest of South Florida. Ayun, tapos around 2:45 hinatid na si tita Arleene sa airport. Dumating si kuya saglit from practice tapos umalis na sila ni Mama to drop tita off. hahay, kelan nanaman kaya kami magkikita noh?

Then pinaliguan ko si Kirby, dahil syempre Friday - schedule kasi eh. tapos nuod ng TV, Beyond Belief kasi eh. Tapos naka-uwi na si Papa, kain-kain nang konti. Tapos tawag sya sa mga officemates nya namanunuod ng performance ni Kuya. Tapos natulog muna sya. Tapos pinag-prito ako ni Mama ng isda eh di pa ako nakakaligo 5:30 na. Sabi pa naman ni Papa na aalis kami ng 6:30. Ano ba yun? Ang tagal pa namang maluto nung isda. Tapos I gave up on it. Naligo na ako noh. Ma-late pa kami ako ang sisisihin. Kaya ayun. Natapos ako nang 6:25. Oh diba, ang galing ko noh? Eh ang ganda na ng outfit ko, ang cute ko na tapos pinag-prito pa rin ako. Eh di nangamoy isda yung damit at buhok kong maganda. Ano ba yun?

Naka-alis ata kami mga quarter to 7. Ayun, nung umaga pala, kinuha ko yung directions to the lounge from the internet…43 minutes daw ang biyahe. What the hey!? Ayun, buti si tita Christy kumuha rin ng directions kaya joint-effort, tawagan sila ni Papa. Pagdating namin dun sa Neptune Lounge, eksaktong eksakto, 7:46 actually. Eh hello, sarado pa yung lounge. Akala ko nga kung ano yung lugar na yun. Parang Tavern na lalabas si Merlin sa loob na kumpleto ang attire with matching pointy hat at magic wand. Tapos nakita na namin si Kuya at banda nya na pumapasok sa back door. "Hello, Kuya!" kaway naman ako. haha Actually, nung tumatawid pa kami dun sa daan, parating sina tita Soc & tito Noel, naunahan pa nila sina tita Christy. Tapos yung vocalist nila Kuya na si Luisa lapit sya samin. Pasipsip pa sya kay Grandma, lami ipakong. Sabi pa nya na "Guest of Honor" daw nya si Grandma kaya happy sya na nakadating daw. Tapos fast forward tayo ng konte, di man lamang nya binagnggit sa kanyang mikropono na may guest of honor sya. Tange talaga yun. Parang ewan. Oh sige, rewind ulit. Ayun, bumukas na rin ang ilaw ng OPEN sign. Tapos bumukas na yung pinto. May mamang nakasalamin (ata) na umupo sa isang upuan sa may pinto, tapos papasok na sya ng people. Eh kami palang andun. haha. Pinauna ko si Grandma, sabi ba naman ni Asungot "It’ll be five dollars. You have to give me the exact amount because I have no change." Eh kung di ka ba naman tanga eh, business kayo eh, eh di MAKE change. Sabi nga ni Papa eh, kung di lang si Kuya ang magpe-perform babawiin nya yung bayad at aalis na sana kami. Tapos gago pa tong si Manong, ayaw pang ibigay sakin yung pink bracelet thingy ticket whatnot whatever na yun. Hoy Gago, kasama kami ng tatay kong nagbayad! Dinenggoy pa ata kami. Sabi samin ni Kuya tres lang daw ang bayad. Pweh! Binulsa na nun yung extra $2, gago talaga noh.

Ayun, kinuhanan ko nalang sila sa harap nung saradong lounge . Pagpasok na pagpasok namin, na-shiyak kami dun sa aming nakita. Ibang iba sa ini-imagine namin. Ang dilim, ang dreary ng ambiance. Tapos puro inuman pa dun. As in wala atang pagkain ang sine-serve dun. Wala pang complimentary peanuts. Take note, si Papa pa yung pinagpunas ng lamesa at mga upuan. Humingi si Papa ng napkin para magpunas ng alikabok binagyan sya ng trapo at hinayaang sya nga ang gumawa, hindi pa sila ang lumapit. Wala nga atang nagpupunta dun sa lounge na yun, as in ang alikabok talaga. Grabe! Alimuot pa jud. Chika-chika konte, tapos dumating na sina tita Christy, tito Paul & tito Francis. Mas masaya ang chikahan. Ang tagal bago mag-start. Pinoy ata ang may-ari nung lounge, Filipino time. Sabi 7:45, eh 9 na yata nag-start. Kaya habang naghihintay sina Papa na mag-start, nag-billiard muna sila. Sabi pa sakin ni Luisa na walong kanta yung kakantahin, eh lima lang naman. Tapos di pa enjoy panuorin. Parang galilt sa mundo si inday.

Ahhh, wait muna, background story muna ng band nila Kuya. Dati kasi puro sila lalake, pangalan nila 90 Day Trial. Then naaksidente yung isa nilang member, so lie low muna sila. Then dumating itong si Luisa, ex ni Josh na keyboardist nila. Nagpapatulong sa music career nya kay Kuya. Then tinanggal si Rob, yung isang guitartist kasi di nagja-jive yung music nila. Then si Richard, yung naaaksidente, mejo ok na. So bumalik na yung banda, silang 4 nina Kuya, Luisa, Richard & Josh. Then natanggal ata si Josh coz di na sya nakaka-practice coz of work. then nag-away si Richard & si Luisa, so alis si Richard. Tapos dumating si Heather. Then at the last minute nag-back out si Heather the night before kasi may issues sila ni Luisa dahil itong si Luisa ay ma-diva ang epek. Biruin mo ayaw nyang mag-harmonizing sila. Ayaw rin nyang sumama si kuya sa songs nila kasi pangit daw may boses ng lalake. Eh gaga ka pala eh. Ipakong dyud tika. Kaya ayun, nagalit si Heather kasi wala kwentang ka-banda si Luisa. Fast forward na tayo sa performance nila. Di nakaak-ayang panuorin. Simulang-simula palang, nakaka-irita na kasi hello nang hello sa mic. Hoy bruha! Naririnig ka na nga namin, makulit ka! Walang stage presence ang vocalist. Naka-simangot, naka-pamewang, nagwi-wince, nagki-cringe, walang ka-adlib-adlib. Di nakikita sa face nya na nage-enjoy sya sa ginagawa nya. Ano ba namang klaseng musician yun, dba? Nakatayo lang sya dun sa gitna ng stage, tapos iirap pa. Ang sarap talagang batuhin ng ashtray. Kulang kulang pa ang introduction nya. Inintroduce muna nya yung members ng band tapos saka lang nya sinabi yung name nung band, di pa maklaro. Ayaw pa nyang kumanta si Kuya, gusto nya sya lang ang hahawak sa mic. May kodigo pa yung Spanish song nya. Tapos yung kanta ng Smashing Pumpkins, hindi maintindihan ang lyrics. Di pa nya sinabi na Smashing Pumpkins yun. And yung Spanish song nya, di pa nya sinabi na kay Gloria Estefan pala yun kung di pa sinabi sakin ni Kuya. Ano ba yan talaga?!

Bago pa nag-start yung performance nila, di ako makahinga. Na-claustrophobic nanaman ako. Kasi aside pa dun sa walang maayos na ventilation, ang dilim na, at puro cigarette smoke pa. Grabe talaga. Buti may dala akong panyo, kaya mejo natakpan ko ilong ko at napaypayan ko sarili ko. Ayun, tapos habang nagpe-perform sila, may lalakeng nasa gitna ng "dance floor" na naninigarilyo. Biro mo, tinaktak ba naman nya yung sigarilyo nya sa floor. Tatapikin ko sana sa balikat at bibigyan ng ash tray. The second song they sang was the one Kuya had written called "Let Go." Nung natapos, talagang cheer ako nang todo. Ako pa, wala nang lalakas sa cheer ko. Kaya kung kelangan nyo ng pala, ako ang hagilapin nyo dahil talagang cheer ako. Kung di ko pa sinigaw kay Manang Luisa na sabihin nya kung sino nagsulat nung kanta di pa nya sasabihin. Syempre nung sinabi nya nyang sinulat ni RJ, cheer nanaman ako nang malakas. Ayun, so natapos yung performance nila. Ang tagal tagal pa. As in lahat ng tao naka-bitin until sinabi nyang "We’re done." Ano ba yun?! Wala man lamang pasalamat sa mga dumating at nanuod. Wala man lamang pasalamat sa Neptune Lounge na pinayagan silang mag-perform. Tanga talaga. Di nag-iisip. Walang kwenta! Eh di yun noh, natapos na rin yung kantahan, tapos lahat ng bandmates nila nagbabaan at nilabas na yung mga instruments at kuna anu-anong paraphernalia at props na ginamit. Baba rin ng stage si inaday Badiday, pero ano ang ginawa? Nagbeso-beso sa kanyang mga fans kuno, parang diva. Akala mo naman ang ganda ng boses, eh sintunado naman. And dami nyang off-key notes. Alam nyo ba, diba nawala na nga si Heather, swerte nga sila nahagilap pa nila si Eric para mag-play ng Bass for them tapos umiirap pa sya pag may mali nang konti, eh last minute na nga yun eh. Then si Jon nga pala ang nakuha nila a week ago para mag-drums. Buti andun rin sya kundi napaka-boring ng perofrmance nila dahil flat talaga ang boses nya noh. Maganda yung instruments nila. Syempre, seryoso ako talaga. Di nga rin nag-enjoy sina tita Christy and everyone else. Mas enjoy pa sana kami kung sa Pacific Island, haha.

Ayun, eh di uwian na nga. Di na namin kinausap si Luisa noh dahil hindi naman maganda ang feedback ko sa kanya. Yakapan pa sila ng mga pala nya as if maganda ang kanta. Sabi nga ni tita Christy eh na kung andito si Simon Cowell at sinabihan syang di sya pwedeng sumali ng American Idol, magto-throw yun ng tantrum at sasabihin nyang lahat ng family and friends tell her na telented sya. Yeah, grabe jud. So ayun, as in di talaga tumulong sa pagligpit sina Kuya. Hahay, grabeng mag-astang si diva. Tinawag pa nya yung kapatid nya na "helper." Bakit sino ka ba? Akala mo ba ikaw si Mariah Carey? Ngeeeee. Ayun, so umalis na kami dun at naghanap ng kainan. Kasi ba naman noh, kulang nalang mag-starve kami to death at feeling nasa drought kami noh. Puro talaga alaka andun, eh wala namang umiinom samin. All the way dun sa kainan pinaguusapan naming 4 ang performance nila. Ayun, so kumain kami sa Village Inn. Kukuhanan ko sanan ng picture sina Mama & Papa, pero loko-loko yung digicam eh. Nakuhanan ko naman yung mga inumin namin tsaka yung food ko. Weird noh? Kahit nilagay ko na yung camera sa table, wala pa rin. Kasi naman eh, na-frustrate ako dun sa performance ni Kuya dahil di ko sila makuhanan kasi ang dilim sa loob. Sayang talaga! Ayun, then when we went out may cute na cute na aso na kahawig ni Kirby sa loob ng kotse. Pag-uwi namin, dun lang namin nalaman na dysfunctional yung clicker kaya ayun, tumakbo ako sa bahay kasi akala ko andun si kuya, hiramin ko sana yung clicker ng car naming isa. Eh wala pa pala sya, kaya ayun. Buti may pumasok na ibang sasakyan kaya nakapasok na rin yung sasakyan namin. Ayun, then after an hour siguro dumating na si Kuya then chika-chika about sa performance. Wala pala silang bayad! HUWAT!!! Eh sinabihan daw sila nuon na babayarin sila, tapos ngayon wala na. Eh kaya nga kami nanuod eh dahil babayaran si Kuya. Akala namin mababawi nya yung gas money nya, di naman pala. tsk tsk. Tingin ko hindi nag-enjoy yung management nung lounge sa gawa nila kaya di na daw binabayaran yung first performance daw dun. Grabe. Then kaya lang pala sila napadpad sa lugar na yun kasi nanuod daw si Luisa ng isang performance dun then nagmadali sya so tanong sya kung pwede silang mag-perform dun. Eh ang fhangit naman ng ambiance nung lugar na yun. Di na ako babalik dun. Sabi nga ni tita Christy kay Mama na sabihin kay Kuya na kung mag-perform si Kuya with them di na sila manunuod. hahaha. Aliw naman kami with our family friends. Buti andun sila pandagdag sa kaaliwan ng gabi. Basta bottomline is magaling talaga ang Kuya ko. He was FANTABULOUSLY AWESOME!!!!! Sige, next time na ulit. Gutom na ako…lunch time na. haha. TTFN (",)



3 Comments »

21

   johnny

December 30, 2008 @ 11:26 am

lwF2J8 Thanks for good post

23

   ebentley3735

January 3, 2009 @ 5:54 pm

Hello, you have a great blog here! I’m definitely going to bookmark you!

24

   dymockc3359

January 4, 2009 @ 5:43 am

Hi! A Great Post. I was just playing with blogs. i was really excited.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>